Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » Kwentong Opis
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Getting Physical

$
0
0

Nagdududa na talaga ako na nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang sariling imahe. Kung totoo ‘yun bakit si Jesus may abs, tapos ako wala? At kung totoo ang teoryang ‘yun e di mga taga-Fitness First lang ang tunay na anak ng Diyos. Pero syempre ayoko din sa teoryang nanggaling tayong lahat sa ebolusyon ng unggoy. Di naman ako mukang unggoy. Ebolusyon ng kambing, pwede pa. ‘Yung mga kapitbahay naming nagkukutuhan tuwing umaga, ‘yun ‘yung mga lahing unggoy.

Sa pagbabakasakaling tubuan ako ng abs, balik basketbol ako ngayon. Mahirap nga lang maghanap ng basketball court dito sa Melbourne, di katulad sa Pinas na bawat kanto meron. Ang paghahanap ng court dito ay parang paghahanap ng isdang marunong magbisikleta. Bakit ko nasabi? Gusto ko lang i-exaggerate. Napagod ako kakahanap.

Kakaiba maglaro ng basketbol ang mga kolehiyala dito. Mini skirt ang basketball uniform nila [tawag nila netball skirt] tapos panty panty lang sa loob na kulay itim. Ke maka-shoot o sablay, pagbagsak ng manlalaro mula sa ere, iisa lang ang reaksyon ng mga nanonood: ‘Ooooohhhhh!’… Isipin mo si Marilyn Monroe na nagdi-dribble ng bola. Ganun nga.

Nakahanap naman ako ng mga kalarong Pinoy. Mga second o third generation na kaya ‘yung iba di marunong managalog. Kaya pag sinasabi kong ‘Kupal pasa mo ‘yung bola’, ang sagot lang sakin, ‘I’m sorry can’t understand Tagalowg’. Tapos mga Aussie kalaban namin. Matatangkad ‘yung mga Aussie. Gusto ko ngang imbitahin sa Pilipinas, baka gusto nilang mag-apply bilang poste ng Meralco. O taga-hawak ng billboard sa Edsa. First quarter lamang kami. Second quarter lamang pa din. Second half, dumating na ‘yung mga resbak nila. Hanggang natapos ang laro. At dito na nagtatapos ‘yung kwento. Ayoko nang sabihin kung sinong nanalo, di naman daw importante ‘yun. [Tangina, bitter].

Natanong ako minsan nung opismeyt kong Aussie kung anong isports ang sikat sa Pinas. Sabi ko basketbol, basketbol at panghihipo sa dyip. Soccer naman saka rugby ang ‘national pasttime’ nila dito. Ayaw patalo, sabi ko madami ding nagra-rugby sa Pinas. Pakalat-kalat pa nga sa kalye.

World Cup fever ngayon dito. Kasama ang bansang Australia sa kumakampanya para makuha ang World Cup, ‘yun ‘yung may globo sa taas ng tropeo pero wala namang kasamang tasa. Sana di na tinawag na World Cup kung wala namang cup, World na lang. Aktwali, soccer ang numero unong isports sa mundo. Pero di ko nakikitang maging-number 1 din ang larong soccer sa Pinas [kahit naging midfielder pako sa soccer team sa dating opisina]. Mainipin ang Pinoy, mahilig tayo sa quickie. Eto pa naman ‘yung sports na isang oras nang naglalaro ang bawat koponan pero ang score pa din ay 1-0.


Bilang respeto naman sa bansang kumakanlong sakin pansamantala, kailangan ko ding ipakita na mahal ko ang mahal nila. Kaya pagkatapos matalo maglaro, naisipan kong magbarbekyu ng pinakaminamahal nilang hayop, ang kangaroo. Tsaka para pag-uwi ko ng Pinas at tinanong ako ng kapitbahay kong unggoy kung nakita ko na ba ‘yung kapatid kong kangaroo, pwede kong sagutin ng, ‘Nasa tinga ko, gusto mong makita?’. At isa pang malupet na hirit na ‘Kung utol ko ‘yung kangaroo, di utol ko rin tatay mo’. Rakenrol.

Question of the day: Anong palagi mong nilalaro nung bata ka? Mag-iwan ng pinaka-gago, henyo, o kahit na anong sagot sa comment box. Pero bawal sumagot ng ‘Titi ko’ dahil sagot ko na ‘yun.

Piktyur 1.] Kangaroo barbekyu ni Badoodles. Mas masarap syang ibarbekyu kesa panoorin sa zoo.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan