Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » Kwentong Opis
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Culture Clash

$
0
0

Kahit nasa ibang bansa ako, hangga’t maari nagluluto pa din ako ng nakasanayang almusal – longganisa, daing o kaya tuyo na may kamatis, samahan mo pa ng sinangag at ‘yung tinatawag ng lolo kong bulol na nekskape. Kaya pagpasok sa opisina, umaalingasaw ang pagka-Pinoy ko. Napapatingin ‘yung mga hindi sanay sa ganung amoy. At kung marunong lang managalog ang mga opismeyt ko, malamang bumubulong na mga ‘yun ng ‘Andito na si amoy longganisa’.

Pero mahirap din maghanap ng pagkaing Pinoy dito. Kelangan ko pang dumayo sa kabilang bayan. Saka ‘pag sinabing ‘Asian grocery’ ‘wag mong asahan kaagad na may produktong Pinoy, pagkain lang ni Jackie Chan ang meron dun. Sinubukan kong tumingin sa grocery ng mga negro baka sakaling merong produktong Pinoy, wala din. Uling lang nakita ko dun. Hehe.

Pag tanghali sa opisina, dahil ako lang ang Pinoy [technically, dahil ‘yung isa pinanganak sa Pinas pero bumbay], at ayaw kong kumaing mag-isa sa isang sulok, sumasama akong kumain sa mga bumbay. Pero ‘yung mga bumbay lang na sinasamahan ko yung mga hindi amoy kili-kili [at hindi hinuhusgahan ang pagiging amoy longganisa ko]. ‘Yung iba sa kanila vegetarian dahil Hindu ang relihiyon nila. Ako naman relihiyon ko Hindut. Tinanong nila ako kung vegetarian ba ako, sabi ko oo, ‘vegetarian with meat’. Tawanan. Kaya tawag sakin sa opisina ‘vegetarian with meat’.

Hindi ako sanay kumain ng Indian food. Ang pinaka-initiation ko lang sa pagkaing indian ay chicken curry saka curry-curry [hehe, pero walang biro, ang kare-kare ay dating curry-curry, isang orihinal na pagkaing bumbay]. Pag nasa Indian restoran na kami, hindi agad ako makaorder dahil ang hirap bigkasin ng mga pagkain nila. Tunog titulo ng mga porn DVD sa bansang Tsekoslovakia. Tse-.. Chekos-.. Ganun kahirap i-pronounce. Kaya ang ginagawa ko, nag-iini-mini-mayni-mo na lang ako, at kung saan matapat ang daliri ko ‘yun ang pananghalian ko. Kaya ang ending, laging sira ang tyan ko. Minsan, may natsambahan akong madaling bigkasin, Bowel of Sambar kaya inorder ko naman. Kaya naman pala Bowel of Sambar, dahil pagkatapos kong kainin, sunod sunod ang bowel ko. Langya ganun pa din, sira ang tyan.

Anlaki ng problema ko ano? Pagkain. Lagi kong sinasabi, ang pagkain ang repleksiyon ng isang bansa. Tangina, anlalim. Gusto ko lang naman sabihin, hindi ko kayang mabuhay sa ibang lugar tapos hindi makakatikim ng pagkaing Pinoy. Kahit pa sabihing kakaiba ang pagkaing Pinoy, ‘yun na ‘yung kinalakihan ko. May patis na ‘yung ulam, bubudburan pa ng asin. Maalat, isasawsaw pa sa bagoong. Sabi nga ng bayaw kong Intsik sa paborito kong ulam na pinakbet, ‘Bakit kanyan pak-kain nyo maalat, palang pak-kain ng aso’, na sinasagot ko ng ‘Hoy supot, syatap!.

Kung makikipag-negotiate si Papa God sakin na dadagdagan niya ng ng limang taon ang buhay ko kung babawasan ko ng alat ang kinakain ko, sasabihin kong ‘Wag na lang po’. At least pag nadedo ako hindi ako mukhang matanda, dahil bata palang dedo na. Saka ‘yung pagkain ko ng maalat, malay mo mangailangan ako ng spare kidney, makakatulong pa ako sa ilegal na industriya ng bilihan ng kidney. Saka anong silbi ng pagkakaroon natin ng mga ‘kidney doctor’ sa Pinas kung hindi natin sila bibigyan ng oportunidad na kumita? [Lusot ba? Lusot?]

Anong pagkaing hindi Pinoy ang nagustuhan ko? Sa mga pagkaing Aussie, maliban sa barbekyu nila, wala na. ‘Yung pinagmamalaki nilang palaman na ‘vegemite’, lasang grasang may kalawang. Ok sakin ang Singaporean noodles dahil parang pansit canton with chili flavor lang. Pwede na din ang pasta ng mga Italian kung wala talaga.

Segue way ko ‘yan para sating Question of the day na: Anong pagkaing hindi Pinoy ang ayos sa panlasa mo? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago o kahit anong sagot sa comment box]

Piktyur 1.] Pritong salmon na ulam ni Badoodles. Iniisip ko na lang, kunyari bangus belly ‘yan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan