Bakit otso? Hindi ko alam kay Chuck en’ Clare en Pepe na nag-tag sa akin at wala ding kinalaman ang otso sa haba ng etits ko o sa aking lucky number. Here’s 8 nutty things about me:
1. Kung anu-anong trabaho pinasok ko para makagradweyt. Madiskarte sa buhay at kayang mabuhay sa tagilid na lupa. Naging disc jockey sa Campus Radio saka Star FM gamit ang diplomang Made in Recto. Undergrad pa kasi ako nun. Sa radio kami nag-meet ni BebeKo nung college. Best female guest dj kasi siya. Nung year-end top twenty countdown, nag-propose ako sa kanya on-air. Di ko alam na patay na patay na pala siya sa akin dati pa kaya sagot siya agad ng u-oh. Haha!
2. Naging corps commander sa ROTC. Na-expel lahat ng ka-batch kong officers dahil sa hazing at ako lang natira. May pagka-sutil pa ako nun. Pinapagulong ko sa field ang mga kadete pag may tantrums ako like nawala ‘yung scientific calculator ko o kaya nababato ako at gusto ko lang matawa. [Kaya di ako makapaniwala pag sinasabi nilang ako daw ang pinakamabait na corps commander in da whole wide world]
3. Nagtrabaho bilang waiter sa Rose Garden, isang low class prostitution den nung hayskul pa lang. Pang-gabi ang schedule ko sa halagang trenta pesos magdamag. Minsan, tinawag akong ‘kulangot’ ng isang lasing na humihingi ng ice bucket. Badtrip ako kaya bago ko muna binigay ’yung ice cubes, kinaskas ko muna sa betlogs ko para subukan ko kung talagang malamig. Anlamig nga. Hehe. Lesson in life: Be nice to waiters. Be very nice.
4. Kahit adik mga barkada ko nung college, never tried doobie at all. Not even once. Never even joined frat groups. Kahit pa ‘yung limang barkada ko e presidente ng kung anu-anong frat. Paniwala ko kasi ang mga sumasali ng frat ay duwag. Sabi nga ni Conrado De Quiros, “they are like mosquitoes, they are brave when they’re in droves”.
5. Naging presidente ng student council sa college of law. Sa law school ko din naranasan maging Best Brief twice [hindi ‘yung sinusuot na sumusuporta sa betlogs, ‘yun ‘yung tawag sa pleadings ng korte] dahil sa pagiging natural na sinungaling sa courtroom. Naka-rubbing elbows ko din si Joan De Venecia, miyembro ng UP debate society na naging bar topnotcher noong 2006.
6. Muntik na akong maging sundalo. CAFGU kasi si Papa tapos kalahating taon na din akong nagte-training sa kampo [Camp Upi, Gamu]. Iyak ng iyak si Mommy with matching sikip ng dibdib epek epeks kasi ayaw niya talaga pero kino-convince ako ng mga kapatid ko na tumuloy para meron naman daw silang kapatid na de kanyon. Nag-teyk a breyk muna ako for a year para pagbigyan si Mommy. Na-deploy naman agad sa Mindanao ang mga kasabayan ko [kasagsagan noon ng Abu Sayyaf]. Nabaril ng Abu ’yung ka-buddy ko at inuwing dedbol sa amin. Buti na lang di pala ako nagtuloy. Six feet below da ground na sana ako ngayon. Di ko din sana naramdaman kung pano mainlab at maranasan mag-blog at makipagkulitan sa internet.
7. Currently working as software engineer sa Makati Stock Exchange. High tech promdi. Natutuwa ako sa elevator kasi sanay lang ako dating sumasakay sa kalabaw. Pag walang kasabay, tumatalon-talon ako sa elevator at biglang napapakanta ng ’takatak mo’. Marunong akong makisama ke sunog baga boys man o senior executives. Pag senior execs at di ako maka-ride on, dinadaan ko na lang sa usapang theory of relativity saka the medici phenomenon.
8. Pag may sobrang pera, nagpagti-tripan kong manlibre ng Jollibee super meal o Starbucks kape sa sinumang pulubi o mukang gutom na palaboy-laboy sa daan. Sabay kwentuhan na din ng buhay buhay. Mas okey na ‘yun kesa tumeybol ka ng pokpok sa Cubao. Mga mukha na ngang ewan, di pa marunong mag-handle ng conversation. Anong akala nila sa ming boys, pekpek lang ang habol? Hehe. Biro lang. Pekpek lang talaga habol namin. Hala naku! Hehe.
Never had regrets sa katarantaduhang pinaggagawa ko sa buhay ko. Life is short. Enjoy the ride. You only pass this journey once so live it. Laugh at your mistakes but never be afraid to cry. Now, I’m tagging the following: bebeKo [diyosa ng kaning lamig], brokenman [by reading this, u are estopped], sawn [8 kamanyakan, sige na wak ka na bagumbuhay], chillidobo [hot, hot, hot] , nelo [boy tulis], si Chuck ulit [hehe, okay lang un 8 crazy things naman ‘to], earthlotus [boy tulis2], maru [hmm… can’t wait to read urs] . Okay lang kahit di kayo sumagot. May kilala naman akong voodoo doctor. Biro onli. ‘Yung iba, welcome din makipagkulitan sa tag na ‘to.
*Shoutout to Al and Tim Tayag, mga guardian angel at devil ko sa kakulitan para sa kanilang pagbabalik sa ‘Sup Radio – ‘the only morning radio show at night’ sa Jam 88.3 which airs Monday to Thursday, 9-midnight. Kinig kayo.