Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » Kwentong Opis
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Why Does it Always Rain on Me?

$
0
0

This is the part of my life when I am so broke I can’t even afford a decent hair cut.  ‘Pag ma-pride chicken kasi ang tao, kahit may mahiraman ayaw manghiram.  Maybe, it’s just me.  Kung nakapagtapos ako ng college ako by diskarte marino lang, kaya ko sigurong makapaghanap ng trabaho on my own.  Hindi ko na nga ma-remember gaano kung paano ko naghirap makatapos ng kolehiyo  sa University of St. Louis.  May pa-shifting shifting courses pa akong nalalaman.   

Today, I am following up my application at Department of Interior and Local Government (DILG) as information officer i.  Naipasa ko naman ‘yung  oral examination with flying colors about dun sa computer network nila kasi pag tinatanong ako puro generic and safe ‘yung answer ko.  “Ah yan ba, oo alam ko ‘yan”  (kahit theory lang naman alam ko).  “A oo, ‘yan madali lang ‘yan”.  (buti hindi naman pinagawa).  What I think I failed is the pleasing personality part.  Ewan ko, di ko naman nakita sa job requirements ‘yun.  Saka kasalanan ko ba kung kasinlaki ng waiting shed ang nostril ko at wala akong nose bridge na maipagmamalaki tulad ng mga gods of Greek mythology.  Last week, kinukulit ako nung sira ulong administrator kung wala daw ba talaga akong criminal record.   Madapackingsheet if looks could kill e nangisay ngisay na ‘yung administrator na ‘yun sa matalim kong kita  – which made her suspect more that I am hideous. 

For this time around, I already had a skinhead.  Bente pesos sa may Macarubbo Barbers shop.  ‘Yun lang kaya ng pera ko saka dun din naman ako nagpapagupit during my ROTC days.  Hindi nga ako mamukhaan nung administrator kasi mas mukhang bandido na naman daw ako.  Parang katatakas sa preso.  Ayaw pa nga akong papasukin.  Ewan.  Hindi ko matimpla kung anong looks ang gusto nila.  ‘Pag tinitingnan ko naman sarili ko sa salamin, by my standards, okay naman.  I look like a mutated version of George Clooney and Diether Ocampo.   

I did not wait for another round of interview.  Baka ma-humiliate na naman ang aming lahi mag-run amok pa ako.  With my intelliggence brain cells, it’s their lost anyway.  Or so I assured myself.  So I passed out.  On my way home, it rained hard I got soaking wet. Now  I am in deep sheet.  I need a job but the world is making a big joke on me. 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan